December 24, 2024

SARA MAY WARNING VS PEKENG BAKUNA

NAGBABALA si Mayor Sara Duterte sa publiko laban sa pagkalat ng pekeng bakuna sa “black market”.

Sa isang radio interview noong Lunes, sinabi ni Mayor Sara na kailangan ng publiko na maging mapagmatiyag at maingat sa mga grupo o indibidwal na nag-aalok ng kahina-hinalang COVID-19 vaccines.

The issue about the vaccines on the black market started last year. We have to keep in mind that the vaccine is facilitated and made available only to the national government. If there is an organization, person, or group offering these [fake] vaccines, you should raise red flags and think about it,” wika ni Duterte.

Binigyang diin niya na manggagaling lamang ang mga bakuna sa mga tauhan mula sa Department of Health (DOH), provincial city at municipal health kaya kung may mag-alok na iba, posibleng peke ito.


“Nobody has access to the vaccine except our government and from the DOH. If somebody would offer it, you better be cautious because it might only contain water and, obviously, it is fake,” dagdag ng alkalde.

Nanawagan din si Duterte sa publiko na agad isumbong sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya kung mayroong iba na nagbebenta ng nasabing mga bakuna.


“They can also reach out to DOH, Food and Drug Administration (FDA) for proper action and be spared from danger,” saad pa niya