IKINATUWA ni Vice Presidential candidate Sara Duterte ang pagbasura sa disqualification case laban sa kanyang running mate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil ito ay magbibigay-daan sa kanila para mas matutukan ang pangangampanya.
“Of course, this is a welcome development for the UniTeam at nakikita po natin na tuloy-tuloy na ‘yung kaniyang kandidatura and tuloy-tuloy na ‘yung aming pangangampanya para sa Halalan 2022,” saad ng Davao City mayor.
Ganito rin ang naging tugon ni Marcos nang hingan siya ng komento ng media matapos ilabas ng Commission on Elections Former First Division ang desisyon nitong Huwebes.
“That is a good result for us,” aniya. “Hopefully, we can carry on with the campaign with all of these distractions that were put in the way.”
Hindi naman nababahala ang mga karibal ni Marcos sa naging hakbang ng poll body na ibasura ang disqualification case.
Samantala, muling iginiit ni Senador Panfilo Lacson na hindi siya magkokomento sa usapin.
“‘Di na kami magko-comment du’n. Of course water under the bridge. Even before, ‘yung kaso naka-pending, ‘di kami nagko-comment sa ganon,” ayon sa presidential candidate.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?