Mangarap kayo, ang liwanag sa mga puso ninyo ay mas makinang kaysa mga kabiguan o “Light in your hearts are brighter than failure.”
Ito ang makahulugang panimula ng talumpati ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte sa harap ng 591 graduates sa ika-walong commencement exercise ng Allen National High School sa Allen, Samar, kung saan ang Bise Presidente ang Guest of Honor and Speaker.
Sumentro ang talumpati ni VP Sara sa kahalagahan ng pangarap at pagsisigasig na tuparin, ituloy, alagaan ang kanilang pangarap na gaya ng pagpapayabong sa mga halamanan o cultivating a garden.
Wala aniyang makakatalo sa apoy sa loob ng puso ng mga nasabing graduates sa kagustuhan nilang magtagumpay para sa buhay.
Ngunit may pasubali rin ang Bise Presidente na ang pangarap ng isang tao ay maaaring matupad at maaari ring hindi matupad kahit determinado at nagpapakahirap na minsan ay dahilan upang maging desperado.
Sa puntong ito, ibinahagi ng Bise Presidente personal karanasan na pinangarap niyang maging doktor na hindi natupad ngunit natutunan aniya na sa halip na hangarin ang imposible ay dapat sundin ang landas upang marating ang ating full potential.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO