May 17, 2025

SARA DUTERTE SA IMPEACHMENT TRIAL: I WANT A BLOODBATH

Imbes na matakot, todo ang tapang ni Vice President Sara Duterte matapos sabihin nitong “Gusto ko talaga ng bloodbath” kaugnay sa nalalapit na impeachment trial laban sa kanya!

Sa isang matapang na pahayag nitong Sabado, Mayo 17, iginiit ng Bise Presidente na bagama’t ang kanyang mga abogado ay abalang-abala sa paghahanap ng legal na paraan para pigilan ang pag-usad ng kaso, siya mismo ay determinado na ituloy ang laban sa Senado.

“Truly, I want a trial. I want a bloodbath,” ani Sara na tila hamon pa sa mga gustong pabagsakin siya.

Nakatakda ang impeachment trial sa Hulyo 30, ayon kay Senate President Chiz Escudero. Kasama sa mga magiging ‘hukom’ sa kaso ang 12 bagong halal na senador ng ika-20 Kongreso, pati na rin ang 12 incumbent senators mula sa 19th Congress.

Ayon pa kay Sara, handa siya sa kahit anong kalalabasan ng kaso—mapa-guilty man o acquittal.

“Tinanggap ko na kung ano man ang maging verdict. Guilty man o hindi, I’m at peace,” pahayag ng Bise Presidente.

Matatandaang naghain si Duterte ng petisyon sa Korte Suprema noong Pebrero para kwestyunin ang bisa ng impeachment complaint, batay sa “one-year bar” rule ng Konstitusyon. Ngunit tuloy pa rin ang preparasyon sa panig ng Senado para sa matinding political showdown.

Sa kasalukuyan, kailangan ni Duterte ng siyam (9) na boto para maabswelto sa Senado. Ngunit tumanggi siyang magbilang ng kakampi habang wala pa ang trial.

“Mali sigurong magbilangan ng boto kung wala pa namang trial… pero ginagawa siya ng publiko,” giit niya.

Mukhang sa halip na umatras, lalong uminit ang laban!
Sara Duterte: Handa sa giyera, handa sa dugo!