
MANILA – Nagbigay ng matinding tirada si Vice President Sara Duterte laban kay Manila 3rd District Rep. Joel Chua, hiniling na bigyan siya ng zero vote sa darating na halalan at inakusahan si Chua ng panghihimasok sa kanyang pangalan at imahe.
Ang pahayag ni Duterte ay ginawa sa isang DuterTEN campaign stop sa Maynila noong Biyernes.
Ang alitan sa pagitan ng dalawang opisyal ay nagsimula nang manguna si Chua sa House committee on government and public accountability na nag-imbestiga sa mga alegasyon ng maling paggamit ng pondo ng Office of the Vice President (OVP).
Ayon kay Duterte, “Nakalimutan ni Joel Chua noong sinisira niya ‘yung pangalan ko na hindi ako kandidato ngayong eleksyon na ito. Walang mawawala sa akin.”
Binanggit pa ni Duterte ang kanyang suporta kay Apple Nieto, ang kalaban ni Chua sa eleksyon, at inutos sa mga tagasuporta na iboto at kampanyahin si Nieto. Pinaalala pa niya sa mga botante sa Maynila na bigyan ng zero si Chua sa balota.
“Bigyan ninyo ng zero iyang ptang ia Joel Chua na ‘yan,” dagdag pa niya.
Matapos ang mga banat ni Chua, hindi pinalampas ni Duterte ang pagkakataon na iparating ang kanyang tapang.
“Ako si Sara Duterte, kaya ko makipag-away sa kanal,” wika niya, at pinahayag pang sanay siyang makipaglaban sa mga mahihirap na kalagayan sa Mindanao. (GM)
More Stories
MAGNOLIA, NILUTO SA INIT ANG PHOENIX!
Kontratista sa Pasig, Kinuwestiyon ang P9.6-B City Hall Project ni Mayor Vico
“Tagumpay! Ninakaw na Amorsolo Painting, Nasa Hofileña Museum na Uli!”