HINDI maituturing na kaibigan si Vice President Sara Duterte sa House of the Representatives.
Ganito inilarawan ni Senate President Chiz Escudero si VP Sara kasunod ng mainit na deliberasyon ng pondo ng Office of the Vice President sa Kamara.
“Tila di sanay si Vice President Duterte na tinatanong siya at hindi siya sinasangayunan. Sa kabila naman, pinakita ng Kamara yung haba din naman ng kanilang pasensiya,” sambit ni Escudero sa Kapihan sa Manila Bay.
“Maliwanag sa napanood ko kahapon na tila di ‘Isang Kaibigan’ si Vice President Sara sa ilang miyembro ng Kamara kahapon. Sana magbago yun sa susunod na pagdinig,” dagdag niya.
Umaasa si Escudero na mananaig ang pagiging kalmado ng lahat sa susunod na House Committee on Appropriation hearing sa Setyembre 10.
Nang tanungin kung maaring ma-cite in contempt ang Vice President dahil sa kanyang inasal, sinabi ni Escudero na umaasa siyang hindi na umabot pa sa ganoon.
“Dahil wala naman nareresolbahan ang bagay na ‘yan lalo na pagdating sa paglilinaw na hinihingi ng mga mambabatas kaugnay sa budget ng [Office of the Vice President],” saad niya.
Nauna rito ay ipinagtanggol naman ni Sen. Escudero si Sen.Risa Hontiveros sa ginawang pagtatanong nito sa budget ni VP Duterte sa Senado kung saan ay ipinunto nito na tama lamang at nasa ayon ang ginawa ng senadora sapagkat ito ay tungkulin niya ayon sa batas.
“Wala po akong nakikitang masama sa ginawa ni Sen. Hontiveros. She is just doing her job as an elected senator,” dagdag pa ni Escudero.
Ang mainitang pagtatalo ni VP Duterte sa ilan miyembro ng Kamara ay nag ugat sa pagtatanong ng mga ito kung saan napunta ang kontrobersiyal na confidential funds niya sa taun 2022 at 2023 na hindi naman sinagot ni VP.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA