December 25, 2024

Sapul ng tatlong bagyo… NDRRMC kay Duterte: Luzon dapat isailalim sa state of calamity

INIREKOMENDA ng disaster management agency ng bansa kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdedeklara ng state of calamity sa buong Luzon sa gitna nang malawakang pananalasa ng magkakasunod na bagyo nitong kamakailan lang.

Ipinahayag ang naturang desisyon ng National Distaster Risk Reduction and Management Council matapos ang malaking pinsala na idinulot sa pangunahing isla ng Pilipinas ng Bagyong Quinta, Rolly at Ulysses noong nakaraang linggo.

“Placing the whole of Luzon under a state of calamity would enable the national and the local governments to deal with the “impacts of the latest typhoons to hit the country,” ayon kay Ricardo Jalad, council’s executive director.

Ayon kay Jalad, ang naturang rekomendasyon ay isinumite na sa Pangulo noong Lunes.