MISMONG si Marikina City Mayor Marcy Teodoro na ang nag-anunsiyong sinimulan na (uli) ng LGU ang pamamahagi ng second tranche ng Social Amelioration Program o SAP sa ilalim ng Bayanihan 2 Act, kasabay ng pagbangon ng lungsod mula sa delubyong hatid ng bagyong Ulysses.
Umasa uli ang Mariqueños sa bagong pahayag nitong katatapos lang manalasa ang bagyo pero anong petsa na uli ngayon at magwi-weekend na naman pero di pa rin nangangamoy SAP maliban sa sapsap na lang na ilalapag nila sa hapag kainan habang antay pa ang ayudang ‘aaaang tagaaaal ‘na bakit ayaw pawalan ng DSWD?
Ayon sa mga taga- Barangka noong Agosto pa dapat naipamahagi lahat ng SAP-2 at ipinagmalaki pa ng DSWD na thru money changer o bangko na lang para mas mabilis ang serbisyo at mas safe sa health protocol pero ganun din ang pahirap na bilad sa araw na pila at iilan lang ang nakakuha.
Kaya dahil daw sa reklamo ay inilipat muli sa barangay ang pagkuha ng stub para iyon ang papakita sa eskwelahang gagamiting venue ng bigayan pero sa di malamang dahilan ay delay na naman hanggang sa maabutan na ng dalawang sunod na bagyo ay tinangay na ata ng baha ang ayudang alam ni PDU30 ay natanggap na ng lahat ang SAP.
Akala siguro ng may timon sa ayuda ay malilimutan ng mamamayan ang second tranche dahil sa pagdagsa ng mga tulong pinansiyal at material sa tulad ng mga sinalantang . Mariquenos Anyway me paniniyak na ang may malasakit na Mayor Teodoro at sana ay totoo na to! Huli man at binagyo ay magaling at darating din…
Mayor Sir, Have ‘Marcy ‘on them…ABANGAN! Di lang sa Barangka ang mga sumisigaw ng SAP kundi sa maraming lugar pa ng bansa ang di pa nakatanggap ng ayuda…SANA ALL NA!
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE