February 23, 2025

Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican

Naging tahimik ang gabi at nakapagpahinga ng maayos si Pope Francis, na nakikipaglaban sa double pneumonia sa ospital, matapos ang respiratory crisis at paglipat ng dugo, ayon sa Vatican nitong Pebrero 23.

Ang Santo Papa ay na-admit sa ospital ng Gemelli sa Roma noong Pebrero 14 matapos makaranas ng hirap sa paghinga sa loob ng ilang araw at kalaunan ay na-diagnose na may pneumonia sa dalawang baga.

Nitong Pebrero 22, inanunsiyo ng Vatican na nasa kritikal na kondisyon ang 88-anyos na Santo Papa na nangailangan ng suplemental na oxygen at paglilipat ng dugo noong araw na iyon matapos ang isang “prolonged asthma-like respiratory crisis.”

“Naging tahim ang gabi ng Santo Papa at nakapagpahinga” ayon sa pahayag ng Vatican nitong Linggo ng umaga nang walang karagdagang impormasyon.