September 16, 2024

SANTINO ROSALES, WALANG PLANONG SUNDAN SA PAGIGING ACTOR SI JERICHO ROSALES

TANGGAP pala ni Jericho Rosales, kung ayaw maging actor ang anak niyang si Santino Rosales. At ayon pa sa actor, handa niyang suportahan ang kanyang anak kung ano man ang gusto nitong career. Ang gusto pala ni Santino ay maging isang top model at hindi maging isang actor.

“I want to be one of the top models in the Philippines when the time comes, simply because I don’t have the passion for [acting]. And I was always taught growing up that for everything I do, I have to have a passion for it so I can do it with the best of my abilities. That’s why I don’t wanna join showbiz.”

Malinaw na ang gusto niyang tahaking career ay gaya ng sa ina niyang si Kai Palomares na kilalang model. Ganun paman masaya na rin si Jericho, dahil matagumpay naman si Santino sa kanyang pagmomodel.