Naaresto ng mga otoridad ang kapatid ni dating presidential economic adviser Michael Yang na si Tony Yang.
Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) dinakip nila si Yang Jian Xin dahil sa mission order bilang undesirable alien ng Bureau of Immigration at PAOCC.
Naganap ang pag-aresto nitong Huwebes ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Si Tony Yang ay itinturong nasa likod ng iligal na operasyon ng Philippine offshore gaming operator (POGO) sa Cagayan de Oro at sa illegal na droga.
Magugunitang si Michael Yang ay napatawan ng cite in contempt ng House Committee on dangerous drugs matapos ang bigo nitong pagdalo sa imbestigasyon noong drug operations sa Pampanga ng mga otoridad noong Setyembre 2023.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA