November 23, 2024

SANGKATUTAK NA GADGETS, LUXURY ITEMS, BUMABAHA NA SA CUSTOMS NGAYONG PALAPIT ANG PASKO

Habang nalalapit na ang Pasko, bumabaha ang mga kontrabando sa Bureau of Customs dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga mamimili sa iba’t-ibang shopping centers, lalo sa Greenhills San Juan city.

Sunod-sunod ang pagkakasabat ng mga branded na bags, sapatos, sigarilyo, cellphones, laptops at iba pang luxury items nitong Agosto at Setyembre.

Pinakahuli ay ang pagkakasabat ng mga otoridad ng BOC-Port of Manila sa P18.3-M halaga ng mga undeclared items.

Bukod dyan, nakakumpiska rin ang BOC ng halagang P60-M na ibat ibang brand ng sigarilyo, gaya ng Union at D&B na ideneklarang steel wire mesh mula sa China base sa mga dokumento.

Nitong September 15, 2020, pinangunahan ni SBMA District Collector Maritess T. Martin ang pagkumpiska sa mga sigarilyo kasama an mga kinatawan mula sa CIIS, ESS, Philip Morris Fortune Tobacco Corp., PDEA-SBMA at Philippine Coast Guard-Subic.

Ang kontrabando ay naka-consigned sa BWFIC TRADING na dumating sa Port of Subic noong Sept 5 at 6, 2020.

Agad na nag isyu ang BOC ng Pre-Lodgement Control Order No. P/SUBIC/20200905-00012 sa naturang shipment sa ilalim ng Bill of Lading No. CNH0233898.

Kasunod nito, inisyuhan ng Alert Order ang iba pang kargamento sa ilalim ng Import Entry No. 2020 P13 C-1017708 dahil sa paglabag sa National Tobacco Administration (NTA) Memorandum Circular No. 03 Series of 2004 and NTA Board Resolution No. 079-2005 in relation to Section 1113 (f) and Section 1400 (Misdeclaration) of R.A 10863 otherwise known as the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Nitong Sept. 18, nasabat din ng Customs-NAIA ang sandamakmak na misdeclared luxury goods, gaya ng handbags of Prada, Gucci, Hermes, Louis Vuitton, Chanel, Christian Dior, Christian Dior, Valentino, kabilang ang mamahaling sapatos at iba pang accessories na halagang 6.5 million pesos.

Base sa records ng BOC, ang kontrabando ay naka-consigned kay Reynaldo Tan sa Paircargo Warehouse at ideneklarang personal effects, rulad nh “assorted clothes, shampoo” mula sa Maisons-Alfort, France.

Kung hindi pa kakalampagin, hindi maiisip ng Bureau of Customs (BOC) na ipamigay na lang ng libre sa mga mahihirap na estudyante ang tone- toneladang electronic gadgets, gaya ng cellphones, laptop at tablets para magamit sa pagbubukas ng klase sa Oct. 5.

Kinumpirma ni Customs Spokesperson Vincent Philip Maronilla na ikinakasa na nila ang inventory sa lahat ng seized items na pwedeng idonate sa Dept. of Education na magagamit ngayong walang face-to-face classes.

“An inventory has been ordered by BOC Commissioner of Customs Rey Leonardo Guerrero on all items that can be a useful donation to other government institutions during these trying times. Needless to state part of these are seized or abandoned shipments of gadgets and other electronic items,” saad ni Maronilla sa Viber message.

Parang nagising sa katotohanan ang mga tag-Custom na pwede naman palang idonate ang mga gadgets na nakumpiska kaysa sunugin o durugin lang ito.

Pinasalamatan ng BOC si Sen. Imee Marcos dahil sa suhestyon nito ipamahagi ng libre ang mga gadgets para magamit ng mga mag-aaral na walang pambili ng cellphones, tablets & laptop sa blended learning.

“We thank Senator Marcos for her valuable suggestion and assure her that the BOC is already looking into it. We also undertake to update the office of Senator Marcos on the developments relating to her suggestion,” dagdag ni Maronilla.

Pero, napagalaman na hindi raw pala aabutin ng 4.5 tonelada ang mga nakatambak na elecronic gardgets sa Customs warehouses dahil cumulative ito ng mga naunang nakumpiska nila sa matagal na panahon.

Mga ka-Agila, sana malaman kaagad ng publiko kung ilan talaga ang mga cellphones, tablets at laptops na nandyan sa Aduana dahil malapit na ang pasukan sa October 5.

Ang tanong ng mga Ka-Agila, kailan naman kaya maipamimigay ang mga gadgets na yan?

Sa kabila nito, tila hindi pa rin nawawala ang “TARA” sa Aduana, naiba lang ng lugar at high tech na rin, bakit kamo, Comm. Jagger?

Aba’y mismong si Pres. Digong Duterte pa ang nagbuking na tuloy pa rin ang pagpuslit at pagbaha ng illegal drugs sa Customs sa ilalim ng pangangasiwa mo.

Banat ni Pang. Duterte, kung ‘di matitigil ang drug smuggling sa Customs malamang may masisibak na naman sa pwesto.

Kahit nasa pandemya ang buong bansa, kaliwat kanan pa rin ang nahuhuling shabu na milyun-milyon ang halaga. Para matigil na ang drug smuggling, pwedeng i-challenge din si Comm. Guerrero, drop your corrupt officers and employees at iba pang ahensya ng pamahalaan na nakasawsaw sa drug trade sa bansa. Alam n’yo na kung sino sino kayo?

Isipin nyo ang kinabukasan ng mga anak nyo at ng mga kabataan, wag lang ang bulsa nyo!!

Para sa inyong suhestyon, reaksyon at opinyon, ipadala lang sa [email protected].