Naging usap-usapan ngayon sa internet ang isang bagong silang na sanggol sa Carmen, North Cotabato matapos mabigong bigkasin nang tama ng mga netizen ang pangalan ng naturang bata — Glhynnyl Hylhyr Yzzyghyl M. Buscato.
Ibinahagi ni Yulesses Romneck Refrente, kaibigan ng pamilya, ang larawan ng birth certificate ng Baby Consonant sa Facebook noong Abril 29, dalawang araw pagkatapos isilang ang bata. Sa loob ng apat na araw, umabot ng 48,000 ang nag-share ng naturang post.
Ipinaliwanag naman ni Raugyl Estera, lolo ng naturang bata, kung saan kinuha ng pamilya ang kakaibang pangalan at kung papaano ito bigkasin:
GHLYNNYL – Glinil
(G AND N =GeraldiNe, ina)
(HLY= LHYrlon, ama)
(NYL=JoraLYN, lola)
HYLHYR – Hayler
(LHYRlon, ama)
YZZYGHYL -Izihil
(ZZ= pangalan ng pamangkin)
(GYL=RauGYL, lolo)
(YHL=LHyrlon, ama)
Ayon kay Estera, nag-iisa lamang daw si Baby Ghlynnyl Hylhyr sa pamilya na may all-consonant na pangalan.
Higit sa 27,000 na Facebook user naman ang nag-react sa post ng “haha.” Komento naman ng isang concerned netizen na baka mahirapan lang ang bata kapag nagsimula na itong mag-aral o maging biktima ng “bully” dahil sa kakaibang pangalan.
“Napagkasunduan ng pamilya na bibigyan siya ng ganitong pangalan hango sa aming mga pangalan. Huwag niyong sasabihing walang utak or for the clout lang ito (hindi ito TikTok) dahil ilang weeks din ginugol ko diyan para mabuo ang pangalan ng apo ko,” paliwanag ni Estrera.
“As long as walang batas na nagbabawal sa ganitong sitwasyon, wala kayong magaggawa. Palakihin natin ang mga bata na may takot sa Diyos at paggalang sa kapwa dahil ito ang kaugaliang dapat ipamana sa kanila, hindi puro poot,” dagdag niya.
“Ginawa po namin ang pangalan hindi para magpasikat kundi upang bigyan ng identity ang aking anak. Hindi rin po namin alam na sisikat ng lubos ang pangalan ng aking anak,” ayon naman sa ina ng sanggol na si Geraldine.
Upang maiwasan ang typographical errors, sinabi ni Estrera na palagi niyang pinaalalahanan ang mga magulang ng sanggol na i-memorize ang correct spelling at i-double check ang mga dokumento.
Pananaw ng isang psychologist
Kapag ginagawang katatawanan ng iba ang identity ng isang tao, maari makaapekto ito sa bata madalas i-bully dahil sa kanyang identity, ayon kay clinical psychologist Josehp Marquez Isa pang posibilidad ay bumaba ang tingin sa sarili.
“In school, for example, teachers will have difficulty saying your name and would likely to suggest that you use a nickname again, losing identity.”
Ngunit may payo si Marquez sa magulang at kaanak ng Baby Consonants bago ito mangyari.
“The parents can empower Ghlynnyl to be confident about his name. Maybe calling him by his real name, so that it can be normalized sa household,” suhestiyon ni Marquez.
“Everyone will say something talaga. Maybe the parents should focus na lang sa anak nila instead of focusing doon sa netizens.”
More Stories
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY
PAGSISIKAP NG MARCOS ADMIN SA DIGITAL LITERACY NG MGA MATANDA, WELCOME KAY TIANGCO