
DEDO ang isang taong gulang na sanggol nang mahulog sa sinasakyang tricycle matapos mabitiwan ng naghahawak na kapatid sa J. Sumulong Avenue, Barangay Bagumbayan, Teresa, Rizal Biyernes ng umaga.
Sa pagsisiyasat ng Teresa police, dakong alas 10:30 ng umaga, sakay ng kanilang tricycle na minamaneho ng kanilang ama na si Joseph Ramirez ang mag-anak at binabagtas ang highway at biglang mahulog ang babaeng sanggol.
Ayon sa Teresa police, sakay sa motorsiklo ang mag-asawa at ang tatlong magkakapatid na bata sa loob ng sidecar.
Isa sa mga batang kapatid ang may hawak sa sanggol na nalaglag sa kalsada sa hindi malamang dahilan.
Sa kasamaang palad ang sanggol ay nagulungan pa ng kasunod na pampasaherong jeep.
Dead on arrival ayon sa doktor, nang isugod sa ospital ang sanggol.
Nasa custody ng Teresa police ang tatay ng biktima at ang driver ng jeep, upang suriin kung may pananagutan ang mga ito sa insedente.
More Stories
VP SARA, HARRY ROQUE, ROBIN PADILLA DUMATING SA ICC
BALLOT PRINTING POSIBLENG MATAPOS NGAYONG MARSO 15 —COMELEC
Vlogger at trolls na nagpapakalat ng fake news hahabulin ng NBI… ROQUE KAKASUHAN MATAPOS MANAWAGAN NG ‘PEOPLE POWER’