HINDI man lamang humanap ng ibang lugar na pag-iiwanan, paano kung nalaglag ang baby?
Ganito ang nagkakaisang reaksyon ng publiko sa ulat na isang sanggol ang inabandona at isinabit sa puno sa Bayugan City, Agusan del Sur nitong Linggo.
Lumabas sa imbestigasyon na isang residente ng Brgy. Taglatawan ang naghihintay ng masasakyan sa gilid ng kalsada nang makarinig ito ng iyak ng sanggol.
Hinanap niya ang pinanggagalingan ng iyak hanggang makita niya ang isang plastic bag na nakasabit sa puno.
Nang tingnan ang laman ng plastic bag ay nagulat ang residente nang makita ang baby.
Agad siyang humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay na tumawag naman sa mga otoridad.
Isinugod ito sa ospital para masuri.
Pinaghahanap na ang mga magulang ng sanggol.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna