MAGHAHAIN ng kasong murder ang Department of Justice laban kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam at kanyang anak kaugnay sa pagpatay kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III noong 2019.
Kinumpirma ng Office of the Prosecutor General sa isang pahayag, na may sapat na basehan para kasuhan ng murder sina Sandra at Marco Martin, kasama rin dito sina Nelson Cambaya, Junel Gomez, Bradford Solis, Juanito de Luna at Rigor dela Cruz.
Kasong frustrated murder din ang kahaharapin ng pito kaugnay naman sa kasama ni Yuson na si Alberto Alforte IV, na nakaligtas sa pag-atake.
Magugunitang nag-aalmusal noong Oktubre 9, 2019 ang naturang vice mayor sa kanyang bahay sa Sampaloc, Manila nang biglang sumulpot ang mga salarin sakay ng isang van at pinagbabaril ang una. “When considered in its entirety, the statements and evidence presented by the complainants are sufficient to establish probable cause for the conspiracy among all the respondents in the killing of Vice Mayor Charlie and the wounding of Alberto Alforte IV,” ayon sa resolusyon na may petsang Pebrero 22.
Pirmado ang naturang resolusyon nina Assistant State Prosecutor Josie Chritina Dugay at Prosecution Attorney Eugene Yusi.
Ayon sa OPG, hindi pa naihahain sa korte ang mga kaso. Hindi pa rin naglalabas ang OPG at DOJ ng buong resolusyon.
Naniniwala ang asawa ni Yuson na may kinalaman ang mag-inang Cam sa pagpatay sa vice mayor matapos talunin ng kanyang anak na si Charmax Jan Yuson si Marco Martin noong 2019 sa mayoralty race sa Batuan.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE