
ISA na namang Pinay tennister ang nagpakitang- gilas sa international sports scene.
Binokya ng young tennis sensation na si Sandra Bautista ng Pilipinas ang Isa sa kinasisindakang manlalaro sa liga 6-0, 6-3 straight sets upang angkinin ang kampeonato sa prestihiyosong Level 6 TMX Burbank Open 18-under singles tennis championship kamakailan sa Burbank. High School, Los Angeles, California sa USA.
Ang 16-anyos na pride ng St. Francis of Assisi College (Bayanan, Bacoor City) ay ibinuhos ang buong lakas nito upang blangkuhin. ang karibal na si California bet Madelyn Ginsberg 6-0 sa unang set at bahagyang nakaporma 6-3 sa second set tungo sa kumbinsidong panalo ng Pinay sa USTA -sanctional Burbank tourney.
“Coach Cecil Mamiit’s guidance made the big difference. Our almost two weeks of rigid training bore fruit for my conquest here in Burbank. I’m dedicating this sweet victory to our kababayan here, everywhere and back home” wika ng batang kampeon via vc na anak ng dating Mapua University tennis varsity player at kasalukuyang commissioner ng Games and Amusement Board (GAB) Angel Bautista.
Pinasalamatan din ng itinutuŕing na ngayong ‘future of Philippine tennis’ ang kanyang workout conditioning trainer na si Orlando ‘ Buboy’ Silvoza sa kanyang marubdob pag-agapay sa ensayo.
Si Coach Mamiit na dating US tennis player at naging Philippine tennis representative sa international events tulad ng SEAGames Manila’05 – gold medal hauls at Asian Games Doha 2006 sa Qatar ang siyang may-ari ng Tennis Mechanix sa Burbank.
Ang batang Bautista na kamakailan ay dinomina ang Regional Athletic Association Meet (RAAM) ay babalik agad sa Pilipinas upang katawanin ang Region IV Calabarzon para sa sasambulat na DepEd Palarong Pambansa ’25 ngayong summer sa Laoag City, Ilocos Norte.
Kamakailan din ay nagpasiklab ang isa pang Pinay great na si Alexandria Eala nang siya ay magpasiklab at makarating ng semis sa prestìhiyosong Miami Open sa Florida. (DANNY SIMON)
More Stories
NWC HINIMOK SI MARCOS NA I-CERTIFY AS URGENT ANG P200 LEGISLATED WAGE HIKE
WELCOME BACK, VP SARA – HOUSE DEPUTY MAJORITY LEADER
11 MIYEMBRO NG GABINETE DADALO SA SUSUNOD NA PAGDINIG SA SENADO