
SAN JUAN CITY — Sa inilabas na ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), itinanghal ang Lungsod ng San Juan bilang may pinakamataas na functional literacy rate sa lahat ng highly urbanized cities sa buong bansa para sa taong 2024.
Ayon sa datos ng Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS), umabot sa 94.5% ang functional literacy rate ng San Juan. Ibig sabihin, halos lahat ng San Juaneño ay may kakayahang bumasa, sumulat, magkwenta, at makaunawa — malinaw na patunay ng matibay na kalidad ng edukasyon sa lungsod.
Sa isang pahayag, buong pagmamalaking ibinahagi ni Mayor Francis Zamora ang naturang tagumpay at sinabing bunga ito ng tuloy-tuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa sektor ng edukasyon.
“Naniniwala po tayo na ang magandang edukasyon ang magbibigay daan upang magkaroon ng magandang kinabukasan ang bawat batang San Juaneño,” ayon kay Zamora.
Ilan sa mga programang ipinatupad ng lungsod upang isulong ang edukasyon ay ang pamamahagi ng libreng gadgets, fiber optic internet connection sa mga paaralan at bahay ng mga estudyante, 55-inch smart TVs sa bawat classroom, libreng uniporme at customized rubber shoes, emergency go bags, modernong pasilidad sa mga paaralan, at financial assistance at incentives para sa mga estudyante at guro.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Zamora, patuloy ang pagkilala sa San Juan bilang isang Makabagong Lungsod na inuuna ang edukasyon at kapakanan ng bawat mag-aaral.
More Stories
PEKENG PINOY, KABIT SA POGO! CHINESE TIMBOG SA CDO
GOBYERNO HANDANG IUWI SI ARNIE TEVES – DOJ
BACOLOD CHICKEN INASAL FESTIVAL KUMITA NG P2.4-M