December 25, 2024

SAMPUNG LIBONG PISONG PAG-ASA’ NI APC & CO.

DAAN- daang manggagawa na apektado ng pandemya mula sa 13 siyudad at probinsiya sa bansa ang nabiyayaan ng 10k ayuda mula kay dating Speaker Alan Peter Cayetano at kanyang mga kaalyado sa Kongreso nitong Labor Day.
 

Ang naturang pagkalinga ay  bahagi ng inihain kamakailan ni Cayetano at ilan pang Kongresista na panukalang naglalayong magbigay ng panibagong ayuda sa mga pamilyang Pilipino.

 Nagpasiya na silang mag-abot ng tulong kamakailan sa halos apatnapung pamilya sa Quezon City, Imus at Kawit Cavite, Pasig at Caloocan na talagang nangangailangan.   

Naging inspirasyon ng kanilang grupo ang magagandang kwento ng mga benepisyaryo sa naunang apat na lugar kaya naglunsad sila kahapon ng mas malaki at malawak na proyektong Bayanihan na tinawag nilang “Sampung Libong Pag-asa”.

Kabilang sa mga taong kanilang natulungan ay mula sa Batangas, Bulacan, Cavite, Camarines Sur, Caloocan City, Marikina City, Quezon City, Taguig City, Mandaluyong City, Pateros, Laguna, Rizal at Ormoc City.

Ang inisyatibong ito ay inorganisa nina Cayetano, kanyang maybahay na si Taguig City 2nd District Rep Ma. Laarni Cayetano at ilan pang kongresista na sina Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund “Lray” Villafuerte Jr. Batangas 2nd District Rep. Raneo Abu, Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez, Anakalusugan Party-List Representative Mike Defensor at Bulacan 1st District Rep. Antonio Sy-Alvarado.

Umaasa ang kanilang grupo na kung matatalakay agad at mapapasa ang kanilang bill na pinamagatang “Bangon Pamilyang Pilipino Act” o mas kilala sa tawag na 10k Ayuda bill. milyon milyong Pilipino ang mas makikinabang habang hindi pa nakukumpleto ang pagbabakuna sa Pilipinas.  

Sa panahong ito ng krisis sa ating bayan, tunay na napapanahon ang anumang klaseng tulong ang maipaparating sa mamamayang Pilipino anumang kulay ,paksiyon o relihiyon ang kinabibilangan.We will win as one against pandemic and  live as one  in prosperity.

Hats off Cong.APC and Company!

Lowcut: “WELCOME to M24 “Builders of Guardians” Maharlika Canada-USA-Manila Sis Jolie Jing (JULIET CUSTODIO) of Zamboanga City- graduate of BS in Business Administration Major in Human Resource Management Development. She is also currently  the President of Tiger Ladies Association who helps people with kidney problems. Sis Jolie Jing is our new honorary member from now. She is a friend and familiar with the Guardians Brotherhood.Let us all welcome Sis Jolie Jing! “,Bro Dr CHITO COLLANTES-M-24 Founder/Organizer M24B1024.