Nasa balag ng alanganin ang pagdaraos ng third window ng 2021 FIBA Asia Cup. Ang qualifying tournament na gagawin sa Clark, Pampanga ay may susuunging problema.
Ito’y bunsod ng inilatag na travel ban ng gobyerno sa ilang bansa. Lalo na yung nagkaroon ng kaso ng UK Variant ng COVID-19.
Bunga nito, hindi makapupunta sa Pinas ang 34 nasyong kalahok na kasama sa travel ban.Kabilang ang mga players, coaches at team officials.
Bawal rumekta sa bansa ang Hong Kong, Australia at South Korea. Lalawig ang ban sa katapusan ng January.
Kaugnay dito, may contingency plan ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP). Ang projection nila, isasalang sa mandatory test at 14-day quarantine ang mga nabanggit.
Pagkatapos nito, maaari na silang pumasok sa FIBA bubble sa Clark.
Gayunman, nakahanda naman umano ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa mga posibleng mangyari lalo’t kung kakailanganin ng mga kalahok na pumailalim sa mandatory 14-day quarantine bago pumasok sa FIBA bubble sa Clark.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!