Dismayado ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa resulta ng basketball tilt sa 31st SEA Games. Ito’y matapos mabigo ang Gilas Pilipinas sa Indonesia. Nagtapos lamang national team sa silver medal.
Kung nadismaya ang pederasyon sa outcome ng campaign, gayundin ang basketball fans.Ang plano ngayon ng ahensiya kaugnay dito ay bumawi.
“We will bounce back and reclaim our spot to stay ahead,” saad ni SBP president Al Panlilio.
Ang tanong, sa anong paraan ito magsisimula? Yan ang di pa malinaw sa SBP. Malaking aral sa kinauukulan ang nangyari. Lalo na’t minaliit ng bansa ang pagpapadala ng players sa contention.
Kaya naman, hindi na raw aniya ito dapat ipagwalang bahala.
“We apologize we fell short and were not able to give our teams better support they needed to retain the gold,” ani Panlilio. Idaraos naman ang 23rd edition ng SEA Games sa Phnom Penh sa Cambodia sa 2023.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA