May 8, 2025

“Sama-Sama, Lakas Marikina!” sigaw ni Tope Ilagan sa pagtakbo bilang Konsehal sa Unang Distrito ng Marikina City

MARIKINA CITY — Sa darating na halalan, isang bagong mukha na puno ng tapang at malasakit sa bayan ang lumulutang sa lungsod ng Marikina — si Tope Ilagan, independent candidate para sa Konsehal ng 1st District.

Sa ilalim ng kanyang kampanyang may temang “Sama-Sama, Lakas Marikina,” layunin ni Ilagan na magsilbing boses ng ordinaryong mamamayan sa Sangguniang Panlungsod.

Makikita sa kanyang campaign poster ang #14 bilang kanyang numero sa balota, kaya’t panawagan niya sa mga botante:“Ilagay sa balota ang ILAGAN! Tope Ilagan, #14!”Walang partido. Walang padrino. Taong bayan ang kanyang sandigan.

Si Ilagan ay nananawagan ng malinis, makatao, at makabagong pamamalakad sa lungsod — mula sa kalinisan ng ilog hanggang sa kapakanan ng kabataan.

Tiyak na magiging matibay na pader ng malasakit si Tope Ilagan sa konseho kung pagbibigyan ng pagkakataon ng mga Marikeño.