November 23, 2024

Saludo tayo sa pag-aksyon ng DILG at Ombudsman sa mga tiwaling barangay officials

Kumusta mga Cabalen? Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan.

Kaugnay doon sa ipinamahaging Social Amelioration Program (SAP), nasa 89 barangay executives ang sinuspendi ng ombudsman.Kinasuhan kasi ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga opisyal dahil sa kalokohang ginawa.

Itong mga opisyales na ito ay nasangkot sa anomaly sa pamamahagi ng pondo. Sabi nga ni DILG Secretary Eduardo Año, agad na ipatupad ng municipal mayors ang pagsuspendi sa kanila.

Kaya naman, kapag naikasa na, rerekta sa ‘mass suspension’ ang mga barangay officials. Nanganganib din na matanggal sa kanilang tungkulin ang mga ito.

Papaano ba naman kasi, ang perang para sa taumbayan, ibinulsa ng ilan. Tsk! Kabilang sa asunto ng DILG sa mga ito ay ang dishonesty, grave misconduct, abuse of authority at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Sa gang akin, mga Cabalen, saludo tayo sa ginawang aksyon ng DILG at Office of the Ombudsman upang turuan ng leksyon ang mga tiwaling opisyal.

Hindi na nila kasi inisip ang kapakanan ng taumbayan. Iniisip ng mga barangay opisyal na ito ang kanilang sariling interes.Panahon ng pandemya ngayon, kailangan ng tao ang ayuda. Pero, ibinitin. Kaya naman pala, nasa mabuting kamay na.

Tama lang ito para magsilbing babala sa iba ang ginawang aksyon ng kinauukulan. Sa gayun ay hindi pamarisan.