MARIING tinutulan ng grupong nagsusulong ng kapakanan ng mga kabataan ang absolute pardon na ipinagkaloob ng Pangulong Duterte sa sentensiyadong sundalong Kano na pumatay sa isang transgender noong 2014.
Ayon kay Eule Rico Bonganay, ang Secretary General ng Salinlahi Alliance for Children’s Concerns, ang pagpapalaya kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ay pagpapakita nang nabubulok na sistema ng hustisya sa bansa, na dito ang mga high-profile at maimpluwensiyang kriminal ay binibigyan ng espesyal na pagtrato at pribilehiyo habang daan-daan libong inosenteng ay namamatay na lamang sa loob ng mga piitan to nakulong dahil sa walang batayang alegasyon o mga kaso.
Wala rin aniyang silbi ang pinangangalandakan ng Pangulo na “independent foreign policy” lalo na at bigo ang Punong Ehekutibo na paglingkuran ang kapakanan ng bawat Filipino, sa halip ay yumuko na lamang sa kagustuhan ng mga malalaking bansa gaya ng America.
Mistula aniyang ipinagkait ng Pangulo sa pamilya ng biktimang si Jennifer Laude ang katarungan na kanilang ipinaglaban lalo na nang i-anunsiyo ng Pangulo na hindi naging patas ang pagtrato kay Pemberton.
Sabi pa ni Bonganay, imbes na lutasin ng administrasyon ang mga i suliranin na kinakaharap ng bansa dahil sa corona virus pandemic at ang socio-economic implications nito, ay inaabuso ng liderato ng Pangulo ang sitwasyon upang madaliin ang pagpapatupad ng mga anti-people program and policies.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY