November 23, 2024

Saligang-batas, masasagasaan ng Revolutionary goverment kapag ikinasa

Kumusta ang buhay natin mga Cabalen? Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan. May mga grupo mga Cabalen na nagsusulong ng revolutionary government.

Pinalalabas nila na si Pangulong Duterte raw ang pinuno nito. Marahil, naiugnay ang pangalan ng Pangulo dahil sa ang pangalan ng grupo ay MRRD-NECC.

Ito ay abbreviation ng Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordina­ting Committee. Nag-asembol ang grupong ito sa Clark Freeport sa Pampanga noong nakaraang Huwebes.

Doon nga ay tinalakay nila ang pagbuo ng gobyernong rebolusyonaryo. Ang matindi, magtutungo sa Malacañang. Na rito ay ipaabot nila sa Pangulo ang pagbuo ng RG.

Ayon sa lider ng grupo, mga Cabalen, maipapatupad ang mabuting layunin ng pamahalaan kung magkakaroon ng revolutionary government. Ang pinaka-nucleus nga nito o layun ay ang pagpapatupad ng federalism.

 Gayunman, mga Cabalen, tinuran ng Palasyo na malaya ang grupo na ipahayag ang kanilang saloobin. Gayunman, hindi suportado ng Malacañang ang pagsusulong ng revolutionary government.

Isa pa, may ilang tutol dito gaya ng DNP, PNP at ng simbahan.

Sa ganang akin, mga Cabalen, hindi na kailangan ito. Masasagasaan kasi nito ang ating konstitusyon. Kaya, ingat ang Palasyo rito.

Kung ikakasa naman ang revolutionary government, maraming kondisyon. Una, ang pagbabago ng saligang-batas.

Ito ay sa pamamagitan ng con-ass o constitutional assembly, Kamara at senado at people’s initative.

Palagay natin, may kulay pulitika ito mga Cabalen. Lalo na’t political season na sa susunod na taon. Ito ay bilang preparasyon sa 2022 election. Hindi nga kaya?