Inaasahang makakaluwag na ang mga mamimili at mga negosyo mula sa mataas na presyo ng mga sibuyas kasabay ng inaasahang pagbaba sa presyo nito sa P50 kada kilo.
Ito ang pagtaya ng ekonomista at mambabatas na si Rep. Joey Salceda na siya ring tumatayong chairperson ng House committee on ways and means.
Una ng napaulat na umabot ang presyo ng mga sibuyas sa P700 kada kilo sa ilang palengke sa Metro Manila sa nakalipas na holiday season.
Saad pa ng mambabatas na ang cartels ang pangunahing nasa likod sa mataas na presyo ng mga sibuyas sa bansa.
Ibinunyag din ni Salceda na may mga mafia na nagkokontrol sa mga pantalan gaya sa Subic kung saan mayroon aniyang 50 containers na naglalaman ng mga sibuyas na dinideliver paunti-unti.
Inihayag din ng mambabatas na maliban sa pagpapatupad ng batas, ang mataas na presyo ay dulot din ng factors gaya ng agricultural productivity.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI