PAPAYAG umano si House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda na tumakbo sa pagka-bise presidente kung wala siyang makakalaban at kung aaminin ng lahat na ang lugaw ay “essential”.
Ito ang sagot ni Salceda sa mga lumabas na ulat kaugnay ng pagiging kuwalipikado nito na maging bise presidente.
“I’ll only take the vice presidency if they can appoint me without contest and if everyone can confirm that lugaw is essential,” ani Salceda.
Sinabi ni Salceda na abala siya sa paggawa ng mga polisiya na kailangan ng gobyerno upang maging maayos ang takbo ng Pilipinas at wala sa kanyang isipan ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon.
Masaya na rin umano siya na nakapagbibigay ng payo sa mga naging pangulo ng bansa mula pa kay Fidel Ramos sa mga bagay na may kaugnayan sa ekonomiya at patuloy umano niya itong gagawin.
“I love Albay. It is my religion and my political philosophy. Higher office would separate me from people. It’s a price that is too steep,” dagdag pa ni Salceda.
Nang matapos ang kanyang unang tatlong termino sa pagka-kongresista, si Salceda ay tumakbo at nanalong gobernador ng Albay. Matapos ang tatlong termino sa provincial government ay nagbalik ito sa Kamara de Representantes.
“I am most productive and most fulfilled as a senior lawmaker and as a trusted adviser to presidents. With the blessing of the people of Albay, to whom I am devoted, I will remain one after 2022, no matter who becomes President,” dagdag pa ng mambabatas. Una nang napaulat na inimungkahi ni Ramon S. Ang, ang president at chief operating officer (COO) ng San Miguel Corporation (SMC), na si Salceda ang dapat maging bise presidente ni Senator Manny Pacuqiao na inaasahan niyang susunod na magiging pangulo ng Pilipinas.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE