November 5, 2024

Salamin ni Mahatma Gandhi naibenta ng £260,000 sa UK auction

NAIBENTA na ang gold-plated na salamin na sinuot ni Mahatma Gandhi sa Britain sa halagang for £260,000 matapos makitang nakasabit lang sa letterbox ng isang Bristol auction house.

“We found them just four weeks ago in our letterbox, left there by a gentleman whose uncle had been given them by Gandhi himself,” ayon sa East Bristol Auctions sa kanilang Instragram.  “An incredible result for an incredible item! Thanks to all those who bid.”

Kilala si Gandhi sa pagbibigay ng luma o hindi na ginagamit na pares ng salamin sa mata sa mga taong labis na nangangailangan o sa mga taong kanyang tinutulungan. Ibinigay niya ang salamin sa tiyuhin ng isang vendor habang siya ay nagtatrabaho sa British Petroleum sa South Africa noong kasagsagan ng 1920s o 30s, ayon sa auction house.

Si Gandhi ay tinaguriang ama ng modernong India.

Kung tatantiyahin ay  papalo sa £15,000 ang orihinal na presyo ng salamin. Ayon sa auctioneer na si Andrew Stowe sa Sky News nitong buwan lamang ay sinabi sa kanya ng naturang vendor na: “If they’re no good, just throw them away.”

Nang sabihin ni Stowe na nagkakahalaga ng £15,000 ay nalaglag sa kanyang kinauupan ang naturang lalaki.

It’s a phenomenal result. These glasses represent not only an auction record for us, but a find of international historical importance,” ayon kay Stowe.