Magandang araw sa inyo, mga Ka-Sampaguita, mga minamahal kong mga kababayan. Nawa’y nasa mabuti po kayong kalagayan. Di nawa magmaliw ang di nauubos na biyaya at pagpapala ng ating Panginoong Diyos.
Marami akong dapat ipagpasalamat sa Panginoong Diyos ngayong taon. Sa kabila ng napagdaanang pagsubok, narito pa rin tayo. Isa na nga rito ang bagsik na dulot ng pandemya. Kung saaan marami ang pinanghinaan ng loob.
Ang iba’y naratay sa banig ng karamdaman. Samantalang ang iba’y namahinga na sa pagdadala ng buhay. Tunay na mapalad pa rin ang inyong lingkod. Gayunman, salamat sa Diyos sa patuloy na pagkakaloob Niya ng buhat at lakas.
Sa pamamagitan ng aking mga magulang, nilikha ako ng Diyos at kumita ng unang liwanag noong Pebrero 6.
Heto, nasapit natin at ipinagdiriwang ang ika-66 taong kaarawan sa aking buhay. Sa loob ng mahabang panahong iyan, maraming pagsubok akong sinuong. Pero, inilagay ako ng Diyos sa itaas dahil sa Kanyang pag-ibig at habag.
Hindi ko ikinahiya ang payak kong buhay noon. Ako’y isang paslit noon na nagtitinda ng sampaguita sa kalye. Nangarap at buong sikap na sumagupa sa hamon ng buhay., Ipinanday tayo ng karanasan, kabiguan at tagumpay sa mga panahong ito.
Kaya, labis ang atng pasasalamat sa Lumikha. Dahil sa Kanyang di nagmamaliw na pag-ibig at pagkalinga, nakaraos tayo. Gayundin ang pahayagang ‘ Agila ng Bayan’. Na sumapit naman sa kanyang ika-11 taong anibersaryo.
Nawa’y patuloy pa akong pagpalain ng Diyos at bigyan ng mahabang buhay at lakas. Sa gayun ay maisakatuparan ko pa ang pagsusulong ng makabuluhang paggawa. Upang makatulong sa nangangailangan sa abot ng aking makakaya.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino