Magandang araw sa inyo mga Cabalen. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Marami tayong dapat ipagpasalamat sa Panginoong Diyos.
Ngayong araw, Hulyo 12 ay isang espesyal na araw para sa inyong lingkod. Sapagkat unang nasilayan ko ang liwanag sa mundong ito. Samakatuwid, ito ang araw ng aking pagsilang.
At sa paglipas ng panahon, marami akong karanasan sa buhay. Ups and downs and vice versa. Pinili ko ang karera na aking minahal. Ang pagiging mamamahayag.
Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa propesyung ito. Na sa awa ng Diyos ay patuloy na namamayagpag ang pahayagang Agila ng Bayan.
Salamat sa Diyos dahil sa kabila ng hagupit ng pandemya, nandito pa rin ang Agila. Nakakapit pa rin tayo kapiling ang ating mga mahal sa buhay.
Buhay pa rin tayo at malakas at patuloy na nagtatagumpay sa kabila ng hamon ng buhay.
Nakagagalak na may mga tunay na mga kasama at kaibigan. Na nagmamahal sa inyong lingkod. Wala man silang maibigay na materyal na bagay na maipagkakaloob, sapat na ang panalangin.
Nawa’y patuloy pa tayong pagkalooban ng Diyos ng mahabang buhay at lakas. Gayundin ng pagtatagumpay. Sa gayun ay magawa ng inyong lingkod ang mga bagay na nakapagpapasaya sa aking buhay.
Na patuloy pang makapaglingkod sa larangan ng pamamahayag.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino