PINURI ni Navotas representative Toby Tiangco ang Department of Agriculture (DA) sa pagpapalawak nito ng Rice-for-All program at paggawa ng mas murang bigas sa panahon ng bakasyon.
“Sakto sa Kapaskuhan ang pagpapalawak ng implementation ng Rice-for-All Program. Mabibili na sa mas marami pang public markets, pati na train stations, ang P40 kada kilo na bigas kaya maiibsan din nito ang mga gastusin ng ating mga kababayan,” aniya.
Sinabi ni Tiangco na ang programa ay umaayon sa pangako ng administrasyon na labanan ang inflation at ibaba ang presyo ng mga bilihin.
“The President’s marching orders have always been clear – we must take every step possible to keep prices down and help Filipinos deal with inflation. Itong karagdagang areas na mag-ooffer ng murang bigas ay patunay na seryoso si President Bongbong sa pagtupad sa kanyang commitment sa ating mga kababayan,” pahayag ni Tiangco.
“I’m confident this program will continue to expand, given the President’s clear directive to explore all avenues to lower the prices of food staples. Kahit papa’no, mas masaya ang Pasko kung mas magaan sa bulsa ang mga bilihin tulad ng bigas,” dagdag niya.
Ayon sa DA, ang bigas na nasa ₱40 kada kilo sa ilalim ng programa ay available na sa Maypajo Public Market (Caloocan City), Murphy Market and Cloverleaf Balintawak (Quezon City), La Huerta Market (Parañaque City), at Trabajo Market (Sampaloc, Maynila).
Ang programang Rice-for-All ay accessible din sa LRT Recto Station at sa mga istasyon ng MRT sa Ayala, North Avenue, at Cubao.
“We commend the Department of Agriculture, led by Secretary Tiu, for their relentless efforts to bring down the prices of basic food commodities across the country,” sabi pa niya.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA