IPINAG-UTOS ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ang relief at preventive suspension sa apat na New Bilibid Prison (NBP) personnel kabilang ang Acting Commander of Guards nito matapos ang nangyaring pananaksak sa NBP compound sa Muntinlupa City na ikinamatay ng isang person deprived of liberty at ikinasugat ng dalawa pa.
Ni-relieve at sinuspinde sa kanilang tungkulin habang umuusad ang imbestigasyon ay sina C/INSP Louie Rodelas, Shift Commander/Acting Commander of the Guards; Corrections Officers 1 Christian Alonzo, Joshua Mondres kapwa Keeper ng Building 8 at CO1 Glicerio Cinco Jr – Gate Officer, Gate 1 A.
Nangyari ang insidente noong madaling araw ng Huwebes, na nagdulot ng malubhang pag-aalala tungkol sa kahinaan ng seguridad sa loob ng bilangguan upang protektahan ang mga PDL. Bagama’t nangyaring ang insidente habang naka-leave si Catapang, agad naman niya itong inaksiyunan pagbalik niya ng trabaho noong Sabado.
Iginiit ni Catapang na critical ang tungkulin ng mga corrections officers sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan, at responsibilidad din ng mga ito na pangalagan ang seguridad sa loob ng bilibid prison upang hindi na lumaganap ang anuman karahasan.
“This situation indicates a lapse in our operations, resulting in the death of PDL Ricardo Peralta and the wounding of PDLs Reginal Lacuerta and Bert Cupada. It is essential that we hold individuals accountable for these failures,” pahayag ni Catapang. “Our personnel should be alert and vigilant to enhance the safety protocols that govern the custody ang management of inmates anytime of the day,” dagdag niya.
Hiniling din ng BuCor chief sa Commission on Human Rights na magsagawa ng kanilang sariling imbestigasyon kaugnay sa insidente.
Nagpadala si Catapang ng letter request na may petsant Enero 4 kay CHR Commissioner Atty. Faydah Maniri Dumarpa, upang higit pang maitatag ang katotohanan, itaguyod ang transparency at tukuyin ang pananagutan.
Una nang nagpadala ng parehong letter request ang BuCor kay NBI Director Jaime Santiago at PNP Chief, P/Gen. Rommel Marvil.
More Stories
HUSTISYA PARA KAY PH ATHLETE MERVIN GUARTE!
4 patay sa pamamaril sa Batangas
4 KAWANI NG NBI, KASABWAT NA 7 FIXERS KALABOSO