Sa inagurasyon ng LRT 2 East Extension project, ipinagkaloob ni Transportation Sec. Arthur Tugade ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng libreng sakay ang mga commuter mula Santolan papuntang Antipolo stations at vice versa sa loob ng dalawang linggo.
“Binulungan ko si Art, sabi ko pwede bang isa dalawa, o kaya mo dalawang linggong libreng pasakay para naman maligayahan yung mga tao lalo na yung mga estudyante?” saad ng Pangulo.
“Can I ask for a moratorium sa bayad, libre for two or three weeks? Two weeks daw, kaya daw niya,” dagdag niya.
Inaasahan na ang LRT-2 East Extension Project ay magpapaikli ng oras ng biyahe mula Recto sa Maynila hanggang Antipolo sa Rizal sa 40 minuto kung ikukumapara sa tinatayang tatlong oras na biyahe sa jeep o bus.
Inaasahang makapagsasakay ito ng karagdagang 80,000 pang pasahero kada araw.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE