PAYATAS, QUEZON CITY
Nangako ang Aksyon Demokratiko standard bearer na si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na gagayahin niya ang mga proyektong pabahay na ginawa niya sa Maynila sa ibang bahagi ng bansa kung magiging presidente siya sa 2022.
Sa pakikipag-usap niya sa mga residente at opisyal ng barangay sa Material and Recovery Facility sa Payatas, Quezon City, nangako rin ito na kanyang pangangalagaan ang kinabukasan ng mga bata na naninirahan sa informal settler communities sa pamamakitan ng pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon habang ang kanilang mga magulang ay may maayos na trabaho upang magkaroon ng disenteng pamumuhay,
“Kapag ako ay sinuwerte, kung anong ginawa ko sa Maynila na pabahay ganun din ang gagawin ko sa buong bansa. Maibalik lang ang dignidad sa pamumuhay ng mahirap. Ang maibibigay ko sa inyo kapanatagan ng buhay maitawid lang kayo,” ayon kay Moreno.
Ilan sa ipinagmamalaking proyekto ng Maynila ay ang housing projects nito para sa mga informal settlers. Nito lang Hulyo, may 229 townhouse-style units ang ipinamahagi sa mga residente ng Baseco, Tondo.
Inaasahan na ang tatlong vertical housing projects na Tondominium 1, Tondominium 2, and Binondominium ay maipamamahagi bago pa matapos ang taon. May ilan pang vertical housing projects ang ikinakasa sa Pedro Gil at San Sebastian Residences.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA