Ipinagpaliban ang nakatakdang laban nina IBF junior bantamweight champion Jerwin Ancajas at Japanese WBO champ Kazuto Ioka. Ito ay dahil alalahanin bunsod ng COVID-19 sa Japan.
Nitong nagdaang araw, naglabas ng strict travel ban ang Japan. Kung saan, doon idaraos ang laban ng dalawa. Concern ng bansa ang harangin ang pagkalat ng Omicron variant. Kaya naman, nagpahayag ang Shinsei Promotions na kanselahin muna ang boxing bout.
“Based on this, we decided to cancel the event, giving priority to strengthening infection control measures,” ani ng promosyon.
Naka-iskedyul na isagawa sana ang bakbakan nina Ancajas at Ioka sa December 31 sa Shinsei Boxing Gym. Kaya, humingi ang promotions ng paumanhin sa fans na nag-aabang ng laban.
Si Ancajas ay may boxing record na 33-1-2. Samantalang si Ioka ay may tangan na 27 wins sa 29 laban.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na