HINDI lamang nagiging malikhain kundi isa na ring negosyo ang paraan ng mga mag-aaral sa pandaraya na nais pigilan ni Senator Sherwin Gatchalian.
Ayon kay Gatchalian, naging talamak ang “sagot-for-sale” sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Nagbabayad ang mga estudyante o kanilang mga magulang para sagutan ang modules sa halagang P150 hanggang P500 na binabayaran sa pamamagitan ng online banking o virtual wallets.
“Kung hindi natin wawakasan itong sagot for sale at iba pang anyo ng pandaraya sa distance learning, lalong hindi matututo ang mga mag-aaral. At kapag nalusutan nila ito sa unang pagkakataon, uulit-ulitin na nila ang ganitong pandaraya. Dekalidad na edukasyon ang nakasalalay dito,” ayon kay said Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.
Ayon kay Gatchalian, ang mga mag-aaral na nakakuha ng serbisyo ay kasing bata ng mga junior high schooler kasama ang mga estudyante sa kolehiyo na humihingi ng tulong upang mapangalagaan ang kanilang mga kinakailangan.
Ang mga nag-aalok ng mga serbisyo ay gumagamit ng mga hashtag sa social media na #AcademicCommission, #AcademicWriting, at #AcademicService, bukod sa iba pa upang i-advertise ang kanilang trabaho. “Ang layunin natin sa pagpapatuloy ng edukasyon ay matiyak na ang ating mga kabataan ay hindi lamang natututo. Hinuhubog din natin sila para maging matapat, mahusay, at mapagkakatiwalaan,” ani Gatchalian.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY