Sinuspinde muna ng Maritime Industry Authority ang safety certificates ng dalawang sasakyang pangdagat na nagbanggaan sa Verde island sa Batangas kahapon.
Kinumpirma ng MARINA na naglabas na ng suspension order ang kanilang regional office laban sa Recreational Safety Certificate ng HOP and GO 1 at Passenger Ship Safety Certificate ng MV Ocean Jet 6.
Kapwa isasailalim sa safety inspection ang dalawa para matukoy kung ligtas pa silang maglayag.
Tatagal ang suspension habang sinasagawa ang imbestigasyon sa insidente.
Nagpadala na rin ang Marina ng technical personnel roon para magsagawa ng safety investigation.
Dalawa ang namatay sa nasabing banggaan, ang kapitan ng Hop and Go 1 at isa pang crew habang ilang pasahero rin at crew ang nagtamo ng minor injury.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA