
Pinatungan ng koronang tinik ng Sacramento Kings ang Charlotte Hornets, 140-110. Kung saan, impresibong nagtala ng 20-20 stat line si Richaun Holmes. Kumana si Holmes ng 23 points, 20 rebounds at 2 assists.
Nag-ambag naman si Buddy Hield ng 26 points, 4 assists at 3 boards. Sa panig naman ng Hornets, kumana si Gordon Hayward ng 25 points, 2 boards at 2 assists. Habang si LaMelo Ball ay gumawa ng 24 points, 13 assists at 3 rebounds.
Samantala, sa iba pang laro ngaoyng araw, sinipa ng San Antonio Spurs ang Orlando Magic, 102-89. Binistay naman ng Los Angeles Clippers ang Minnesota Timberwolves, 108-84.
Kinatay naman ng Golden State Warriors ang New Orlenas Pelicans, 126-85.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT