Hinihikayat ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert Ace Barbers ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) na silipin ang mga smugglers at mga facilitators sa Bureau of Customs (BOC) na posibleng nasa likod ng pagpapalusot ng unregistered China-made na Anti-COVID-19 vaccines sa Pilipinas.
Pinangangambahan ni Barbers na ang mga smugglers ng anti-COVID-19 vaccines ang siya ring posibleng nag-donate ng bakuna na itinurok sa mga myembro ng Presidential Security Group (PSG) ng Pangulo.
Aniya, posibleng ginamit ng smuggler ang pagkakataon nang mag-donate ito ng bakuna para gamitin ng mga PSG members at iba pang opisyal ng pamahalaan at isinabay ang pagpupuslit ng sobrang vaccines na ibinebenta ngayon sa black market na P20,000 kada turok o bakuna.
Iginiit ni Barbers na i-sentro ng mga government probe bodies ang imbestigasyon sa pagtukoy at pagpaparusa sa mga smugglers at kasabwat sa BOC na nagpalusot ng Sinopharm vaccines sa bansa.
Duda rin ang kongresista na may taong kumita ng napakalaki kasabay ng pagpupuslit ng bakuna na siyang dapat matukoy agad at mapanagot sa lalong madaling panahon.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA