Batangas City- Aksidenteng binawian ng buhay ang isang sabungero nang matusok ng mga sanga ng kawayan sa tiyan habang tumatakas at l12 pa ang mga dinakip sa isang anti-illegal gambling operation ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit ng Batangas Police Provincial Office (PIB-BPPO), Regional Inteligence Division (RID 4A), Batangas Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) at ng Batangas City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol. Gerry Laylo noong tanghali ng Sabado sa Brgy. Soro- Soro Ilaya ng nasabing siyudad.
Kinilala ang namatay na biktimang sabungero na si Romulo Guerra, nasa hustong gulang at residente sa parehong lugar habang ang mga naaresto ay sina 1. Michael Montenegro, 2. Elmer Enrico, 3.Roniel Deloso, 4. Edmund Untalan, 5. Renel Belen, 6. Larry Carerra, 7. Lito Barte, 8. Ryan Veedor, 9. Isagani Paz, 10. John Rommel Soriano, 11. Leo Mark Untalan, at si 12. Michael Gonzales.
Nakuha sa lugar ang pitong (7) piraso ng mga manok panabong, dalawang (2) piraso ng mga tari at Php10,120.00. na pera.
Ayon sa inisyal na report nagsagawa ng raid ang mga pulis para ipatigil ang isinumbong ng mga residente na nagaganap na tupada sa lugar ng magtakbohan ang mga taong naroon na nagsusugal at isa na ang biktima na nagsuot sa masukal na mga kawayanan at makalipas ang isang oras ay nadiskubre itong wala ng buhay at may tusok ng sanga ng naturang puno sa tiyan ng isang nagnga-ngalan na Alvin Culiat, na agad naman ipinagbigay alam sa mga opisyal ng barangay at nagdala sa biktima sa Batangas City Medical Center subalit idineklarang Dead on arrival (DOA) ng rumespondeng doktor na si Dr. Marion Angel R. Ozaeta. (Koi Hipolito)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA