December 20, 2024

Sabotahe o incompetence? NEW YEAR’S GLITCH SA NAIA, KAKALKALIN NG SENADO

MERON dapat managot sa nangyaring technical glitch sa Ninoy Aquino International Airport nitong New Year’s Day na nakaapekto sa mahigit 56,000 pasahero, ayon kay Senador Grace Poe.

Ayon kay Poe na chairperson ng Senate committee public services, isang national concern ang nangyari sa NAIA nitong Linggo na kailanman ay hindi na dapat anya maulit pa.

Dahil dito, nais ni Poe na imbestigahan ang nangyaring pagkabalam ng mga byahe upang hindi na maulit ang ganitong pangyayari.

“Thousands of lives depend on the efficiency and competence of the Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). There needs to be transparency and accountability from CAAP,” ani Poe sa isang kalatas.

Nauna nang sinabi ng Manila Electric Company na steady at maayos ang supply ng kuryente nitong Linggo, at nasa CAAP ang problema.

“Give them time to restore normal flight operations. After which, we will conduct an inquiry and direct them to submit a full report of what caused the supposed glitch and power outage,” anya pa.