December 24, 2024

Sabay-sabay na libreng mass swab testing sa Maynila, nagsimula na

SINIMULAN na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang sabay-sabay at libreng mass swab testing sa mga manggagawa sa lungsod.

Alas-8;00 ng umaga kanina nang simulan ang libreng mass swab testing sa mga malls, hotels, restaurant,  supermarkets, palengke, mga barangay covered court at maging ang mga driver ng pampublikong sasakyan gaya ng jeep, traysikel, pedicab, e-trike at iba pa.

Target ng hakbang na ito ni Manila Mayor Isko Moreno na makapagsagawa ng swab tests sa 900-na katao sa loob ngayong araw at masusundan pa ito sa mga susunod na araw.

Ang mga swab test ay dadalhin sa Sta. Ana Hospital Molecular Laboratory upang iproseso at mailabas ang resulta sa loob ng 24-oras hanggang 48-oras at ipapadala sa pamamagitan ng email o kaya’y sa manangement ng mga empleyado at asosasyon ng PUV drivers.

Ilan sa venue ng simultaneous swab testing ay ang Pritil Market;

Baseco Covered Court / PUV Drivers; Robinsons Place Manila; Lucky Chinatown Mall; SM City Manila; at SM City San Lazaro.