PINUNA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang misteryosong pagkatao ng isang akalde sa Bamban, Tarlac na ngayon ay hinihinalang asset ng China.
Sa isang ambush interview sa Cayagayan de Oro City, inulan ng tanong si Marcos kaugnay sa citizenship ni Mayor Alice Guo.
“Kilala ko lahat ng mga tiga-Tarlac na politiko, walang may kilala sa kanya. Kaya nagtataka kami kung saan nanggaling ito…. Hindi namin malaman,” ani Marcos.
“Kaya kailangan talagang imbestigahan. So, kasabay ng sa Bureau of Immigration, pati…. Siguro may magkukuwestiyon na ng kanyang citizenship. ‘Yun lahat iimbestigahan natin ‘yun kasama ang imbestigasyon, mga hearing na ginagawa ng Senado,’ dagdag pa niya.
Sisimulan ng imbestigahan ng Office of the Solicitor General ang background ni Guo.
Aminado ang Presidente na hindi nabantayang mabuti ang pagpasok ng mga dayuhan sa bansa Kaya kailangang higpitan ang implementasyon ng batas upang hindi maulit ito.
Hindi inaalis ni Pangulong Marcos Jr. ang posibilidad na gumana ang pera at may nasuhulang taga-gobyerno kaya kasama ito sa mga inaalam ngayon ng Bureau of Immigration.
Kailangan aniyang bantayan mabuti ang mga pumapasok na dayuhan sa Pilipinas upang hindi mapasok ang bansa ng kung sino-sinong nagpapanggap na mga Pilipino.
“Hindi tayo nakabantay nang mabuti, yun ang naging problema. At siguro pinabayaan din ng mga iba. Kasi maraming pera yan, nagbabayad sila, nasusuhulan nila. kayat yun ang babantayan natin na hindi na mangyari uli yan,” dagdag ng Pangulo.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund