
IKINAGAGALAK ni dating Senator Antonio Trillanes ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa umano’y crimes against humanity hinggil sa kanyang war on drugs.
Ayon kay Trillanes, halos walong taon na ang nakalilipas nang sampahan niya at ng kanyang Magdalo group ng kaso si Duterte sa International Criminal Court.
“Nung 2017, nagfile ng kaso ang Magdalo sa ICC laban kay duterte. After 8 years, sa WAKAS, nahuli na rin ang berdugo,” post niya sa FB. “Sa lahat ng nakasama namin sa mahabang lakbay na ito para sa hustisya ng mga libu-libong EJK victims, maraming salamat po!” dagdag niya.
Inaresto ng local police si Duterte kaninang umaga nang dumating sa NAIA matapos maglabas ng arrest warrant ang ICC.
Nasa kustodiya ngayon ng pulisya si Duterte, na kauuwi lang galing Hong Kong, ayon sa Palasyo.
More Stories
Sudden-Death Semis: UST at NU Laban Para sa Final Spot sa UAAP Men’s Volleyball
131 LGUs Balak Kasuhan ng ARTA Dahil sa Kabiguan Magpatayo ng e-BOSS Laban sa Red Tape at Katiwalian
Truck ng Comelec Service Provider Nahulog sa Bangin sa CDO; 1 Patay