November 24, 2024

Sa trust rating survey… BONGBONG, ROMUALDEZ KULELAT

Nangulelat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Mindanao, matapos bumagsak ang kanyang trust rating ng 32 puntos sa nasabing rehiyon, base sa isinagawang survey ng Pulse Asia nitong Marso.

Nakakuha lamang ang Pangulo ng 38% sa Mindanao mas mababa sa kanyang nakuha na 70% noong Disyembre 2023.

Ito ang unang Pulse Asia survey na isinagawa simula (1) nang magkaroon ng public world war si Marcos at kanyang pinalitan sa puwesto na si Rodrigo Duterte nang magbatuhan ito ng akusasyon na may kinalaman sa droga, (2) nang mariing tutulan ni Duterte at ng kanyang mga kaalyado ang charter change na isinusulong ng kasalukuyang administrasyon, (3) nang managawan si Duterte na ihiwalay ang Mindanao. Bumagsak din ng 21 puntos si Marcos sa Metro Manila, 19 puntos sa Visayas at 5 puntos sa Mindanao.

Nahinaan din ang mga socioeconomic groupings kay Marcos, nang bumaba ang kanyang trust rating sa 29 puntos sa Class E (poorest of the poor), 14 puntos sa Class D, at 8 points sa Class ABC.

Dahil dito, bumaba sa 57 puntos nitong Marso ang kanyang nationwide trust rating, mula sa 73 puntos noong Disyembre, bumaba ng 16 puntos.

Sumadsad din ang trust rating ng pinsan ng Pangulo na si House Speaker Martin Romualdez, dahil mula sa 40% noong Disyembre ay nakakuha lamang ito ng 31% nitong Marso.

Bahagya naman ang naging pagbaba sa trust rating ni Vice President Sara Duterte, mula 78 percent ay naging 71 percent ito.

Tanging si Senate President Juan Miguel Zubiri ang top government official na umangat sa survey, nang tumaas sa 2 percent ang kanyang trust rating. Pinakamalaki niyang nakuha ay sa Mindnao (nadagdagan ng 11 puntos).