NAGSIMULA na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng pamamahagi ng limang kilong bigas sa lahat ng pamilyang Navoteño sa selebrasyon ng World Happiness Day 2022.
Pinangunahan ni Mayor Toby Tiangco, Cong. John Rey Tiangco, iba pang opisyal ng lungsod at barangay opisyal ang pamamahagi ng Saya All Rice for All.
“Navoteños have just started to get on their feet and regain their livelihood. However, they are already faced with increases in prices of fuel, electricity, and other necessities. We hope to alleviate their burden as they strive to build a better life,” ani Mayor Tiangco.
Sa target na 80,000 pamilyang Navoteño, 28,223 mula barangays Tangos North at South, Sipac-Almacen at North Bay Boulevard South Dagat-dagatan ang nakatanggap na ng rice packs.
“We have 12 teams, and we hope to complete the distribution within six days,” sabi ni Tiangco.
Ang Saya All Rice for All ay parte ng isang serye ng pandemic recovery programs ng pamahalaang lungsod.
Nauna rito, namahagi ang Navotas ng 5-kilo bigas at isang manok sa 80,000 pamilyang Navoteno sa selebrasyon ng ika-116th Founding Anniversary ng lungsod.
Pinalawig din ng pamahalaang lungsod ang Navo-Ahon livelihood assistance sa mga nawalan ng trabaho at mga micro-business na lubhang naapektuhan ng pandemya; tricycle, pedicab at jeepney drivers; at mangingisda.
Sinagot din nito ang P3,000 deficit ng Department of Social Welfare and Development para sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program 2nd tranche.
Ang mga hindi nakatanggap ng anumang pinansiyal na tulong mula sa gobyerno ay maaaring maging kuwalipikadong tumanggap ng cash aid mula sa donasyong suweldo ni Mayor Tiangco, basta’t sila ay na-validate ng City Social Welfare and Development Office. (JUVY LUCERO)
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE