
MULING nanguna si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pinakahuling survey ng Pulse Asia matapos siyang makakuha ng 60%.
Pumangalawa si Vice President Robredo na may 16%, na sinundan naman nina Manila Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao na may kapwa 8% at si Senator Panfilo Lacson na may 4%.
Isinagawa ang survey mula Enero 19 hanggang 24, 2022, sa kasagsagan ng balita na tinanggihan ni Marcos Jr., ang presidential interview ni Jessica Soho sa GMA.
Enero 21 nabalita nang tanggihan ni Marcos ang interview kay Soho dahilan para siya mag-trending at humakot ng sangkaterbang batikos dahil sa diumano’y kaduwagan nito.
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN