Pinaatras ni Manila Mayor Isko Moreno si Vice President Leni Robredo sa presidential race.
Sa isang joint press conference, muling inalok ni Moreno ang kanyang sarili bilang isang alternatibong kandidato kung nais ng mga Filipino na magkaroon ng “peace of mind.”
“On top of your problem, our problem as a country and as a citizen at problema ng ating pamilya araw-araw, at the very least I can give you peace of mind–kapanatagan. Time to move on,” aniya.
Iginiit ni Moreno na kailangan ni Robredo na magsakripisyo upang talunin si dating Senator Ferdinand Marcos Jr. sa presidential race.
“Kung meron mang supreme sacrifice, ‘yung number 2 (sa survey) should do and start. Let Leni withdraw. Withdraw, Leni, if you love your country,” said Moreno.
“I’m calling for Leni to withdraw. Whatever you’re doing is not effective against the Marcoses. Withdraw, come and join us. Pwede pa-sub? Pa-sub naman. Baka kami maka-3 points, isa sa amin,” dagdag niya.
Ito’y sa harap naman ng alegasyon niya, at iba pang kandidato sa pagkapangulo gaya nina Senador Panfilo Lacson, Senador Manny Pacquiao at dating National Security Adviser Norberto Gonzales na gumagawa ng hakbang ang kampo ni Robredo na sulutin ang kanilang mga tagasuporta at paatrasin sila.
“Ang bangayan at tuwing presidential election, tungkol lagi sa dalawang pamilya lamang. We are offering, I for one, if you want peace of mind, let stop ang away ng pula at dilaw. This is about you, buhay ninyo. Anim na taon. Wag nating hayaang maging teleserye ang kinabukasan ng ating mga anak,” ayon pa kay Moreno.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE