SUMAMPA na sa P3.11 billion ang pinsalang iniwan nag Bagyong Kristine sa sektor ng agrikultura sa bansa.
Sa datos ng Department of Agriculture (DA), mayorya ng agricultural loss ay bigas, na umaabot sa 152,440 metric tons (MT).
Ang iba pang agricultural commodities na apektado ay mais na nasas 1,461 MT, cassava na nasa 126 MT, at high value crops na nasa 6,014 MT.
Nakapagtala rin ang DA ng 2,862 animal losses habang 98 fisheries ang apektado. Nasa 26 million ang pinsala sa irrigation facilities.
Nasa P541.02 million na halaga ng agricultural inputs ang available para sa distribution sa mga apektadong magsasaka.
Tutulungan din ang mga magsasaka sa pamamagitan ng Quick Response Fund, Survival Recovery (SURE) Loan Program, at Philippine Crop Insurance Corporation.
More Stories
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
2 tulak, tiklo sa Malabon drug bust