November 20, 2024

Sa panahon ng Marcos admin… 28K BARANGAYS DRUG-CLEARED NA – PDEA

Simula nang maupo ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mayroon ng 28,000 barangay sa buong bansa ang nalinis o naideklara nang cleared mula sa illegal na droga.

Base sa pinakahuling real numbers na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 27,968 sa 42,000 barangay sa bansa ang tinukoy bilang “drug-cleared” mula Hulyo 1, 2022 hanggang Nobyembre 30 ngayong taon, habang 7,543 ang inaayos pa ng mga awtoridad.

Ang mga barangay na ito ay drug-cleared statusna  matapos maglabas ng sertipikasyon ang mga miyembro ng

oversight committee sa barangay drug-clearing program.

Aabot naman sa P30.39 bilyon ang kabuuang halaga ng illegal na droga sa bansa sa nasabing panahon.

Sakop nito ang 4,120.52 kilo ng shabu, 48.02 kilo ng cocaine, 54,012 ecstasy tablets at 3,106.24 kilo ng marijuana.

Makikita rin sa datos ng PDEA na 72,676 drug suspects ang naaresto sa 52,966 anti-illegal drug operations. Binaklas ng mga awtoridad ang 811 drug dens at clandestine shabu laboratory sa nasabing panahon.